Posts

Showing posts from 2017
Image
SUNSET Isinulat ni: Trisha Ghale Planta                    Papalubog na araw nag papaalam sa langit at binabati ng halik ang dagat. Nasa papalubog na araw ang tingin nito. Kapag tinitigan ko kaya nang maigi ang araw, mababasa ko dun ang mga iniisip mo? Malalaman ko kaya kung ano ang nilalaman ng puso mo? Hindi ko alam. Alam ko lang kapag may sinasabi ka sa'king ayaw mo malaman ng iba, pumunta tayo sa tabing dagat. Bakit kaya? Baka siguro kayang tangyin ng hangin ang mga skireto, dalhin ng alon at lunurin ang mga ito sa dagat. Baka ganun nga. "Sakali bang mag mahal ako ulit matatanggap mo kaya?". Tanong mo sakin pero sa araw ka rin nakatitig. "Mahal mo na ba siya?" Ang aking tugon "Alam mo na ang sagot ko diyan." "Kung ako tatanungin mo matatangap ko" "Salamat" "Pero di ibig sabihin na tanggap ko ay tama na... O siya, gumagabi ba MAMA. Mauuna na po ako baka hinahanap na ako ni PAPA at nag aalala na sakin." ...